Sinasabing sapat ang bilang ng mga mambabatas na boboto pabor sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Abang Lingkod Partylist Representative Joseph Paduano makaraang makumbinse ang maraming mambabatas nang ipaubaya na lamang sa mga huwes ang paghahatol ng bitay sa mga akusado.
Magugunitang tatlo na lamang sa mga heinous crimes ang kasama sa mga obligadong patawan ng death penalty kabilang na ang may kinalaman sa droga, plunder at treason.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Abang Lingkod Party-List Facebook Account