Balik sa normal na ang operasyon ng Bureau of Immigration sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport makaraang lumiban sa trabaho ang marami sa kanilang empleyado at opisyal.
Ayon sa port operations head ng bureau of immigration sa NAIA na si Red Mariñas, nagkaroon na ng dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga immigration official kung saan tiniyak na nilalakad na ng pamunuan ng immigration ang overtime pay.
Sinabi ni Mariñas na pumasok na muli ang karamihan sa mga empleyadong lumiban sa trabaho matapos mapakiusapan alang-alang sa mga manlalakbay.
Kaugnay nito, tiniyak ni Mariñas na hindi maaantala ang mga international flight na daraan sa NAIA.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay NAIA Bureau of Immigration port operations head Red Mariñas sa DWIZ.
By: Avee Devierte / Raoul Esperas