Iginiit ni Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo na panahon na para makulong si Senadora Leila de Lima.
Sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinupalpal ni Panelo ang panawagan ni De Lima sa publiko na mag-people power laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y pagiging sociopathic serial killer nito.
Pakingan : Bahagi ng panayam kay Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo sa DWIZ
Gayunpaman, sinabi ni Panelo na, bukod sa hindi na niya saklaw ang usapin ng warrant of arrest kay De Lima, wala, aniya, siyang ideya kung kailan aarestuhin ang Senadora.
Ayon pa kay Panelo, ang korte lang ang makapagpapasya kung may sapat na basehan para makapag-isyu ng warrant of arrest.
Pakingan : Bahagi ng panayam kay Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo sa DWIZ
By: Avee Devierte