Inaasahan na nina Senate President Franklin Drilon at Senador Francis Escudero ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon kontra BBL o Bangsamoro Basic Law.
Sina Drilon at Escudero ay una nang nagsabing premature ang anumang petisyon kontra BBL na siyang naging pasya ng high tribunal.
Ayon kay Escudero, hindi maaaring ideklarang unconstitutional ang isang panukala pa lamang.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Escudero ang iba pang nais kuwestyunin ang BBL na hindi pa ito nakakalusot sa kongreso kaya’t hindi pa uubrang i-petisyon.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)