Kinontra si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang claim ng COMP o Chamber of Mines of the Philippines na marami ang mawawalan ng trabaho sa pagpapasara ng mahigit dalawampung mining operations.
Ayon kay Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity hindi naman karamihan ang trabaho sa minahan at ilan sa mga ito ay contractual lamang.
Maaari naman aniyang hanapan ng ibang trabaho ang maaapektuhan nang pagsasara ng mining operations.
Binigyang diin ni Pabillo na makatuwiran ang ginawang pagpapasara sa marmaing mining operations na sadyang nakakasira sa kalikasan
By : Judith Larino