Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na malabong magkaroon ng People Power laban sa Administrasyong Duterte.
Iginiit din ni Lacson na malabo ring magtagumpay sakaling may magtangka ng destabilisasyon laban sa pamahalaan dahil hindi babaliktad ang mga miyembro ng gabinete at ideklarang hindi angkop ang Pangulong Duterte mamuno sa ating bansa.
Bagama’t hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng AFP o Armed Forces of the Philippines, sinabi ni Lacson na batay sa mga nakikita niyang indikasyon, malabong magtagumpay sakaling may magtangka na maglunsad ng destabilisasyon.
Samantala, sinabi ni Liberal Party Senator Bam Aquino na ang mahirap, itinuturing na agad na plotter ng destabilisasyon ang sinumang kumokontra o bumabatikos sa duterte administration tulad ng kanilang partido.
By: Jelbert Perdez / Cely Bueno