Walang inilabas na suspension order si Ombudsman Conchita Carpio – Morales, laban kay Makati Mayor Junjun Binay.
Ayon sa Ombudsman, kanila pang iniimbestigahan ang usapin hinggil sa gusali ng Makati Science High School.
Una nang kinasuhan sa Ombudsman si Binay, dahil umano’y maanomalyang public bidding para sa pagtatayo ng gusali.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)