Nakatakdang i-develop ang DENR o Department of Environment and Natural Resources ang ilan sa mga ipinasarang mine sites bilang eco-tourism zone.
Ayon kay Environment Secretary Gina Lopez, ito ay upang makatulong sa rehabilitasyon ng mga mining site at magbigay ng alternatibong pangkabuhayan sa mga apektadong komunidad.
Aniya, mayroon na silang natukoy na labing tatlong bayan sa Dinagat at Surigao para maging eco-tourism sites.
Siniguro ng ahensya na 95 percent o mas malaking bahagi ng kikitain ay mapupunta sa komunindad kumpara sa mining kung saan napupunta sa mga investor ang malaking bahagi.
By Rianne Briones