Dumagsa ang mga taga-suporta ni Makati City Mayor Junjun Binay sa City Hall matapos na kumalat ang balitang maglalabas umano ang Ombudsman ng suspension order laban sa alkalde.
Kaugnay ito sa rekomendasyon ng field investigators ng Ombudsman na muling supensihin ang alklade at 14 pang opisyal ng Makati dahil sa paunang ebidensya ng pagpabor umano sa Hillmarc’s Corporation sa pagpapatayo ng Makati Science High School.
May bitbit pang mga karatula ang tao na nagpapahayag ng pagsuporta sa pamilya Binay kabilang dito ay ang panawagang ihinto na ang pamumulitika sa pamilya.
Sa kabila naman ng pagkilos ay nanatiling pa ring business as usual sa City Hall.
By Rianne Briones