Inirekomenda ng Amnesty International Philippines na kasuhan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC o International Criminal Court.
Sa isang press conference sa Quezon City, inihayag nina Amnesty International Head Officer Jose Noel Olano at Campaign Coordinator Wilmor Papa na ito ay dahil sa talamak na summary killings sa bansa.
Umaabot na anila sa animnalibo (6,000) ang napapatay at pinangangambahang lumobo pa ito.
Nanawagan din sina Olano at Papa sa publiko na kondenahin ang mga insidente ng pagpatay at iwasan ang pagkakaroon ng tinatawag na “culture of silence”.
By Meann Tanbio | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)