May hanggang 2019 pa si Swiss tennis star roger federer para maglaro ng tennis.
Ito ang inihayag ni Federer na labis na ikinatuwa ng kanyang mga fan.
Sinabi ni Federer na tatlong (3) taon ang pinirmahan niyang kontrata kung saan kabilang sa mga nakalinya niyang torneo ay ang Swiss indoors sa Basel na siyang hometown nito.
Matatandaang nito lamang nakaraang buwan bumalik sa paglalaro si Federer matapos ang kanyang knee injury kung saan nagawa niya pang maibulsa ang 18th Grand Slam title sa Australian Open.
By Ralph Obina