Pinaghahanda na ng Malacañang ang mga Local Government Unit (LGUs) laban sa mga perwisyong dulot ng tag-ulan.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakatitiyak ang Palasyo na gagawin ng mga local executive ang kanilang trabaho para matiyak na magiging maayos ang pagdaloy ng tubig-ulan upang makaiwas sa pagbaha.
Sa panig naman ng national government, siniguro ni Valte na kumilos na ang mga front line agencies at National Disaster Risk Reduction and Management Council upang matiyak ang preparasyon sa tag-ulan tulad ng sapat na relief goods at gamot.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)