Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang kasunduang pinasok ng gobyerno nuong 2009
Kaugnay ito sa pagre require sa mga may ari ng sasakyan na magkabit ng Electronic Identification Tag sa kanilang kotse, jeep at bus.
Kasabay nito ipinag utos din ng high tribunal ang refund sa bayad na kinolekta nuong ipinatupad ang RFID o Radio Frequency Identification Project bago inisyu ng Korte ang status quo ante order nito nuong 2010.
Ipinabatid ng Korte Suprema na dapat dumaan sa public bidding ang RFID project base na rin sa nakasaad sa Republic Act 6957 o Build Operate Transfer Law.
Ang RFID project ay bunga ng memorandum of agreement na nilagdaan ng DOTC, LTO at Stradcom Corporation nuong June 16, 2009.
Una nang pinagbayad ng LTO ang mga may ari ng sasakyan ng 350 pesos para sa kada RFID microchip na paglalagyan ng vehicle information.
By: Judith Larino / Bert Mozo