Binuhay ng grupong Kontra Daya ang panawagang resignation ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa gitna na rin ng bagong kaso ng voter data breach na kinasasangkutan ng komisyon.
Ayon sa Kontra Daya reboot ang kailangan ng COMELEC matapos manakaw ang isang computer nitong naglalaman ng mga sensitibong voters information sa kanilang tanggapan sa Wao, Lanao Del Sur nuong isang buwan.
Sinabi ng grupo na bigo si Bautista na protektahan ang voters’ data kayat dapat na itong magbitiw.
Kinontra rin ng grupo ang pagtiyak ni COMELEC Executive Director Jose Tolentino Jr. na naisalba naman ang voter data dahil encrypted ito.
By: Judith Larino