Hindi puwedeng mamili si Senator Leila De Lima kung saan niya gustong makulong.
Ito ang binigyang diin ni Kabayan Party-List Rep. Harry Roque kasunod ng umano’y hirit ni De Lima na nais niyang ma-detain sa isang military facility sa halip na sa isang police detention center.
Matatandaang iginiit umano ni De Lima na mas may tiwala siya sa AFP kumpara sa PNP.
Subalit, ayon kay Roque, walang karapatan si De Lima na mamili kung saan niya gustong makulong dahil labag ito sa equal protection clause ng konstitusyon.
By: Jelbert Perdez