Tiyak na magiging masaya ngayon ang mga guro at mga empleyado ng Department of Education (DepEd) matapos ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P14-billion peso Productivity Enhancement Incentive (PEI) ng mga ito.
Alinsunod ito sa Executive Order 181 na nagtatakda ng one time PEI katumbas ng isang buwang sahod ng mga empleyado.
Ayon sa DBM, nakatugon na ang DepEd sa mga panuntunang nakapaloob sa executive order kaya’t ipinalabas na ang nasabing pondo at inatasan si Secretary Armin Luistro na ihanda na ang payroll ng mga kuwalipikadong guro at mga empleyado.
Naunang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino na matatanggap ang Productivity Enhancement Incentive bago sumapit ang Hunyo basta nakatugon sa mga pamantayan at panuntunan.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)