Pitong (7) bagong planeta na kasinlaki ng ating mundo ang nadiskubre ngayon ng mga astronomer.
Ayon sa tagapagsaliksik, ang naturang mga planeta ay umiikot sa iisang bituin.
Sinasabing ang naturang pitong (7) planeta ay posibleng nagtataglay ng tubig ngunit tatlo lamang ang maikukunsiderang habitable kung saan maaaring mabuhay.
Ang naturang mga bagong tuklas na planeta ay apatnapung (40) light years ang layo mula sa planetang Earth.
By Ralph Obina
*NASA Photo