Darating na sa buwan ng Agosto ang prototype na mga bagon ng tren ng Metro Rail Transit (MRT).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOTC Secretary Jun Abaya na ito ang mga train coaches na ide-deliver sang-ayon sa nakasaad sa kontrata.
Gayunman, nilinaw ni Abaya na hindi kaagad na magagamit ang mga bagon dahil sasailalim pa ito sa masusing pagsusuri o testing bago aaprubahan.
“’Pag dumating yan dito hindi naman yan na parang kotse na i-start mo at patakbuhin mo kaagad, mahalaga na sukatin, i-testing, tignan kung ano pang hindi sukat na sukat sa riles dahil first time siyang papatong sa riles natin eh, yung static testing, dynamic testing at final assembly, so nakikita namin aabutin siguro ito hanggang Disyembre.” Paliwanag ni Abaya.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit