Tinawag na karma ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang paglalabas ng arrest warrant laban kay Senador Leila De Lima sa ginawa nito sa dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Panelo, ang arrest warrant ay nangangahulugang binibigyan pa ng due process si De Lima na hindi nakuha ng dating Pangulo noong si De Lima pa ang kalihim ng Department of Justice o DOJ.
Dapat aniyang gamitin ni De Lima sa kaniyang advantage ang sitwasyon at patunayang wala siyang papel sa umanoy operasyon ng illegal drugs sa NBP o New Bilibid Prisons.
Gayunman, sinabi ni Panelo na si De Lima ay presumed innocent until proven guilty sa nasabing kaso.
By Judith Larino