Pina iimbestigahan ni SBMA Chairman Martin Diño ang pag take over ng 70 armadong kalalakihan sa Ocean Adventure sa loob ng dating us military base.
Ayon kay Dinio kailangang magpaliwanag ni SBMA Administrator Wilma Eisma kung paanong nakapasok ang mga armadong kalalakihan sa naturang theme park.
Sinabi ni Dinio na mayruong labor dispute sa Ocean Adventure subalit hindi makatuwirang gamitan ng dahas ang pagkuha sa operasyon nito.
Nagtataka naman aniya siya kung bakit walang nagawa ang mahigit 800 security personnel nila sa paglusob ng mga nasabing armadong kalalakihan nitong nakalipas na February 13 kung kailan naman nasa ibang bansa siya.
By: Judith Larino