Ang pagpapa aresto kay Senador Leila de Lima ang magdadala rito bilang kauna unahang political prisoner sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Binigyang diin ito ni human rights lawyer Jose Manuel Diokno, isa sa mga abogado ni De Lima sa isinampa nitong petisyon sa Korte Suprema para magpalabas ng writ of habeas data laban sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil pangha harass at pagbabanta nito sa kaniya.
Sinabi ni Diokno na binati niya si De Lima ilang oras matapos ilabas ang arrest warrant laban sa Senadora dahil sa pagiging kauna unahang political detainee ng Duterte Administration.
Ayon kay Diokno kakaiba ang paghawak sa mga kaso laban kay De Lima dahil lumabas sa pagdinig ng Kamara ang mga umanoy ebidensya laban sa Senadora at marami pang mga tanong sa paglutang ng mga nasabing ebidensya sa umanoy papel nito sa sinasabing opeasyon ng illegal drugs sa NBP.
Ang mga naturang ebidensya aniya laban kay de lima ay nagmula sa mga taong kriminal na sa kaniyang karanasan bilang abogado ay pinakahuling dapat na paniwalaan.
By: Judith Larino