Muling nilinaw ng DFA o Department of Foreign Affairs na hindi totoong bumibitaw na ang Pilipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Secretary Perfecto Yasay Jr., sakaling totoo na mayroong bagong istruktura na itatayo ang China sa Scarborough Shoal ay agad silang maghahain ng protesta laban sa China.
Aniya, isusulong pa rin ng pamahalaan ang pagbuo ng detalyadong code of conduct sa South China Sea para sa mga bansa sa rehiyon.
By: Jelbert Perdez