Timbog ang isang umano’y lider at kalihim ng NPA o New People’s Army sa Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Lt. Xyzon Meneses, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, nakilala ang suspek na si Ernesto “Ka Mel” Samarita, Secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee at kasapi ng Central Committee ng CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni Meneses na nasakote si Samarita sa operasyon ng Philippine Air Force sa ilalim ng operational control ng 202nd infantry brigade sa barangay Munting Indang sa bayan ng Nasugbu.
Napuna umano ng tropa ng militar ang isang detonating cord ng bomba sa belt bag ni Samarita kaya’t sinita ito at inaresto.
By Jelbert Perdez
*Photo: CPP website