Kumbinsido ang spiritual adviser ni Senador Leila de Lima na na-pressure ang hukom na naglabas ng arrest warrant laban dito.
Kahapon ay ipinag-utos ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang pag-aresto kay De Lima at iba pa kaugnay sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) noong siya pa ay kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Sa panayam ng DWIZ, tahasang sinabi ni running priest Fr. Robert Reyes na si Judge Guerrero ay may reputasyon na napi-pressure, bukod pa sa mali ang format ng warrant of arrest na inisyu laban kay De Lima.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Father Robert Reyes
Matatandaang si Judge Guerrero ang humawak sa kaso ng tinaguriang “Alabang Boys”.
Ibinasura nito ang kaso ng high-profile drug suspect na sina Richard Brodett at Jorge Joseph noong August 26, 2011 na pinagtibay naman ng Court of Appeals noong January 2014.
Taong 2014 din ay pinagbigyan ni Guerrero ang inihaing petition for a writ of habeas corpus ni convicted road rage killer Rolito Go na nasentensyahan ng 40 taong pagkakakulong noong 1993 dahil sa pagpatay kay Dela Salle University student Eldon Maguan.
By Meann Tanbio | Report from Cely Bueno (Patrol 19)