Itinuturing ng Malakanyang na katuparan sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya ang pagkaka-aresto kay Senadora Leila De Lima.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahagi ito ng masidhing pagnanais ng Pangulo na linisin ang lipunan sa iligal na droga, katiwalian at krimen sa bansa.
Patunay lamang ng pagkaka-aresto aniya kay De Lima na seryoso ang pamahalaan na tugisin ang lahat ng sangkot sa illegal drugs mula sa gumagamit, nagtutulak at mga protektor nito.
Tatanawin aniya ito ng gobyerno na isang utang na loob sa mga kabataan para sa isang mas matatag na bansang karapat-dapat sa mga Pilipino.
By Jaymark Dagala |With Report from Aileen Taliping