Pinag-aaralan na ng kampo ni Senadora Leila De Lima na magpasaklolo sa Court of Appeals o di kaya’y sa korte suprema.
Ito’y upang kuwesyunin ang ginawang pagmamadali ng Muntinlupa Regional Trial Court sa paglalabas ng arrest warrant laban sa mambabatas.
Ayon kay Atty. Alex Padilla, abogado ni De Lima, tila kapansin-pansing minadali ng korte ang pagpapa-aresto kay De Lima gayundin ang kasong isinampa laban sa kaniya
PAKINGGAN: Tinig ni Atty. Alex Padilla, abogado ni Sen. Leila De Lima sa panayam ng DWIZ
By Jaymark Dagala |With Report from Cely Bueno