Mananatili ang inihandang seguridad sa PNP Custodial Center para kay Senadora Leila de Lima sa kabila ng mga pangamba niya.
Paliwanag ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos, mayroon silang template security measures na tumiyak sa kaligtasan ng mga nakakulong doon gaya ng mga dating Senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Paalala ng PNP, tanging immediate family at mga abogado lamang ang papayagang makabisita kay De Lima kahit kailan.
Sa ibang magnanais na madalaw ang Senadora, kinakailangan nilang sumulat kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal