Sumang-ayon si Senador Gringo Honasan sa Malacañang sa panawagang mag-move na ang taumbayan mula sa 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Honasan, ibig niyang sabihin sa pag-move na harapin ang mga kasalukuyang suliranin ng lipunan.
Gayunpaman, iminungkahi ni Honasan na huwag masyadong pagtuunan ng pansin ang pulitika dahil lalong nagkakawatak-watak ang Pilipinas.
Matatandaang tinangka ni Honasan at mga kasamahan niya sa Reform the Armed Forces na pabagsakin ang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By: Avee Devierte