Kinontra ng grupong Karapatan ang pahayag ng kampo ni Senadora Leila de Lima na siya ang kauna-unahang bilanggong pulitikal sa panahon ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, 30 sa 402 political detainee ang inaresto sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.
Ipinaalala rin ni Palabay na maraming bilanggong pulitikal ang inaresto nang walang basehan.
Gayunpaman, naniniwala ang Karapatan Secretary General na isang uri ng political vendetta ang pagsasampa ng kaso laban kay De Lima.
Sinabi ni palabay na gawain ng mga nakalipas na administrasyon na kasuhan ang kanilang mga kritiko at mahigpit na kalaban.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc