Walang dapat ikabahala ang iba pang kritiko ng administrasyong Duterte na matulad sa sinapit ni Senador Leila De Lima.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaya pa rin ang mga kritiko na magsalita laban sa administrasyon at hindi naman gagalawin ang mga ito kung walang paglabag sa batas.
Kasabay nito, muling iginiit ni Abella na hindi political prisoner si De Lima kundi isang taong nagkasala at nahaharap sa kasong kriminal.
Una nang umalma ang Liberal Party sa anila’y political persecution at harassment kay De Lima nang kasuhan ito at ipa aresto sa isyu ng umano’y operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
By Judith Larino