Hindi umano pinilit ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang mga benepisyaryo ng 4Ps para dumalo sa pro-Duterte rally sa Luneta kahapon.
Nakasaad sa post sa Twitter ni DSWD secretary Judy Taguiwalo na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DSWD at direktiba mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi niya hahayaang magamit ang ahensya sa anumang kampanya o laban sa anumang political agenda.
Hindi aniya kukunsintihin ng DSWD ang masamang gawain o pang-aabuso, lalo’t ang ahensya ay may mandatong tulungan ang mga mahihirap. iginiit pa ni Taguiwalo na malaya ang mga benepisyaryo ng DSWD na pumili kung ano ang nais nilang political leanings, nang walang pangamba sa kanilang natatamong benepisyo mula sa alinmang DSWD program.
Nangako ang kalihim na iimbestigahan ang mga opisyal at staff ng dswd na nagsabi raw sa 4Ps beneficiaries na ihihinto ang benepisyo kapag hindi pumunta sa pro-Duterte rally.
By Meann Tanbio