Asahan na ang pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa loob ng linggong ito.
Tinatayang nasa 30 hanggang 40 sentimos ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, habang 20 hanggang 30 sentimos ang posibleng itaas sa bawat litro ng kerosene.
Tatapyasan naman ng 40 hanggang 50 centavos sa kada litro ng gasolina.
Ito na ang ika-anim na round na nagpatupad ng price hike sa mga oil product ngayong taon.
By: Meann Tanbio