Nakatakas ang 13 detainees ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.
Agad na nag-deploy ng response team ang PDEA sa pamumuno ni Allan Lloyd Leano para tugisin ang mga nakatakas na preso.
Maging ang mga pulis sa Pampanga, Tarlac at Bulacan ay tumutulong din sa manhunt operations.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PDEA hinggil sa insidente.
By: Meann Tanbio