Nagsuspinde na ng klase bukas ang ilang paaralan dahil sa nationwide transport strike na pangungunahan ng Piston.
Kabilang sa nag-anunsyo ng class suspension ang De La Salle University-Manila kung saan walang pasok ang kanilang mga estudyante sa lahat ng antas at suspendido rin ang office work sa DLSU Taft, Makati at BGC campuses.
Sa advisory naman ng University of San Agustin sa Iloilo, suspendido na rin ang mga klase at maging ang pasok sa opisina.
Ang transport strike ng Piston at mga kasamahang grupo ay bilang pagkondena sa nakaambang phase-out sa mga jeepney.
Tinatayang 600 libong drivers at 200 libong operatons ang maaapektuhan ng naturang phaseout.
By: Meann Tanbio