Inihayag ngayon ni US President Barack Obama na handa ang Amerika na makipag-negosasyon sa mga teroristang may hostage na mamamayan nito.
Ito ay matapos na emosyonal na meeting nito sa mga kaanak ng mga hostage victim.
Aminado si Obama na may ilang pagkukulang ang kanyang administrasyon para mailigtas ang mga naturang magbiktima.
Ngunit sa pamamagitan aniya ng bagong polisiyang ito ay umaasa ang gobyerno na mas maraming ang maisasalbang buhay.
Ngunit binigyang diin ni Obama na nanatili pa rin ang no ransom policy ng estado.
By Rianne Briones