Nagpatawag ng joint command conference si Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng AFP o Armed Forces of the Philippines at sa PNP o Philippine National Police.
Kasunod ito ng ulat na pinugutan na umano ng mga bandidong Abu Sayyaf ang bihag nitong German national na si Jeurgen Kantner nang mapaso ang deadline na ibinigay ng mga ito kahapon.
Bagama’t hindi nagbigay ng detalye ang Malacañang, inaasahang mag-uulat ang mga heneral sa Pangulo hinggil sa ginagawang opensiba laban sa mga bandido gayundin ang development sa naturang bihag.
Inaasahan ding maglalabas na ng opisyal na pahayag ang Palasyo hinggil sa nasabing usapin sa sandaling matapos ang ipinatawag na pulong ng Pangulo sa Malacañang.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)