Walang plano ang grupong Duterte Youth na lapastanganin ang EDSA People Power celebration nang magtungo sa People Power Monument noong Sabado.
Iginiit ito ni Duterte Youth National Chairman Ronald Cardema kaya’t wala aniyang dahilan para bulyawan sila ng kilalang mang aawit na si Jim Paredes.
Nagtataka lamang aniya siya kung bakit kinumpronta sila ni Paredes na inakala niyang naroon sa People Power Monument para magdasal at isulong ang makabubuti sa bansa.
Ayon kay Cardema, wala silang masamang motibo at mayorya ng mga nagtungo sa EDSA People Power Monument ay hindi naman talaga para gunitain ang EDSA Uno kundi isulong ang pagpapatalsik sa Pangulong Rodrigo Duterte.
By Judith Larino