Ipinag utos ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang pag detain kay dating Bureau of Corrections OIC Rafael Ragos sa National Bureau of Investigation o NBI.
Kasunod ito nang pag prisinta ng NBI kay Ragos sa sala ni Muntinlupa RTC Judge Juanita Guerrero na siyang nagpalabas ng arrest warrant laban sa dating opisyal.
Ibinalik na rin ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu laban ka Ragos.
Magugunitang noong araw ng Linggo nang sumuko sa NBI si Ragos na una nang nagbunyag sa aniya’y tinanggap na P10-M ni Senador Leila De Lima mula sa kita sa operasyon sa iligal na droga sa New Bilibid Prison o NBP mula November 2012 hanggang January 2013.
By Judith Larino