Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na palakasin ang katawan upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, pangkaraniwan ngayon ang mga sakit tulad ng trangkaso, dengue fever at leptospirosis.
Dahil dito, pinayuhan ang publiko na masusustansyang pagkain upang mapalakas ang katawan laban sa sakit.
Bukod sa palagiang paghuhugas ng kamay, mas makakabubuti rin na magpabakuna laban sa mga virus na nagdadala ng trangkaso.
Sinabi pa ni Lee Suy na ngayon pa lamang ay linisin na ang mga drainage upang hindi bumaha at makaiwas sa leptospirosis.
By Rianne Briones