Umaasa si Senador JV Ejercito na magkaroon ng isang compromised agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng mga transport group.
Layon nitong magkaroon ng isang malinaw na plano para sa mga komyuter gayundin sa kabuhayan ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon.
Bagama’t kinikilala ng mga senador ang isinagawang tigil pasada ng mga nasa sektor ng transportasyon, sinabi ni Ejercito na may pangangailangan na para isailalim sa modernisasyon ang mga pampublikong sasakyan.
Para naman kay Senador Joel Villanueva, walang problemang hindi maisasaayos kung idaraan ng pamahalaan sa pag-uusap ang nasabing usapin.
By Jaymark Dagala |With Report from Cely Bueno