Nagmungkahi si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senadora Leila de Lima na magdasal upang lumabas ang katotohanan.
kasunod ito ng pag-aresto at pagkulong sa Senadora kaugnay sa kanyang mga kasong may kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Sa isang ambush interview sa Pangulo, tumanggi itong magkomento sa ginawang pag-aresto sa Senadora dahil nasa kustodiya na aniya ito ng Korte.
Ayaw ng Pangulo na labagin ang proseso ng korte at magbigay ng opinyon dahil nakasampa na ang kasong may kinalaman sa iligal na droga kay De Lima.
Gayunpaman, tiniyak ng Pangulo ang kaligtasan ng senadora habang nakapiit sa Philippine National Police Custodial Center sa harap na rin ng pangamba ni De Lima sa kanyang buhay.
Iginiit ng Pangulo na walang mangyayari sa bansa kung lulong sa droga ang mga mamamayan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Avee Devierte / Aileen Taliping