Kinumpirma ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang ginawang pagpugot ng Abu Sayyaf sa bihag nilang si German National Juergen Kantner.
Kasunod ito ng kumalat na video na nagpapakita ng pagpugot kay Kantner.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ni Dureza na mariin niyang kinukondena ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa nasabing German National.
Iginiit pa ni Dureza na walang lugar sa bansa ang terorismo
Napaso ang deadline na itinakda ng asg para sa pagbabayad ng P30 Milyong ransom para sa pagpapalaya sa bihag na dayuhan.
Kaugnay nito, kinumpirman rin kagabi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang ginawang pag pugot sa German National.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, mariing kinokondena ng AFP ang ginawang pamumugot ng teroristang grupo kay Kantner. Dagdag pa ni Arevalo na patuloy pa rin ang gagawing opensiba ng AFP sa ASG upang mabawi ang mga natitirang bihag at tuluyan nang mapulbos ang mga bandidong grupo.
By: Meann Tanbio