Nagsilbing precedent sa kinahaharap na drug case ni Senadora Leila de Lima ang electoral sabotage na isinampa kay dating Pangulong Gloria Arroyo noon.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Congressman Rey Umali, isinampa ang kaso laban kay Ginang Arroyo sa Pasay City Regional Trial Court.
Dahil dito, ligal, aniya, ang pagsasampa ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng kaso kay De Lima sa Muntinlupa RTC.
Dagdag pa ni Umali, malinaw na isinasaad ng revised penal code na isinasampa sa RTC, at hindi sa tanggapan ng Ombudsman, ang mga paglabag sa dangerous drugs act na siyang kaso ni De Lima.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc