Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.
Lumalabas sa pinakahuling survey ng Ibon Foundation na 7 sa 10 Pilipino ang naniniwalang mahirap ang kanilang pamilya.
Ayon sa survey na isinagawa mula May 13 hanggang 23, 67. 2% ng mga respondents ang nagsabing sila ay mahirap na mas mataas kumapara sa 64.6% noong Enero.
Tumaas din ang bilang ng mga naniniwalang hindi sapat ang ibinibigay na serbisyong medikal, pabahay at edukasyon ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Nasa 56.4% ang nagsabing hindi sapat ang health services habang 29. 1% lamang ang nagsabing sapat ito.
Sa isyu ng pabahay, lumobo pa sa 48.7% ang nagsabing hindi sapat ang housing services ng gobyerno mula sa 41. 6% noong Enero.
Para naman sa usapin ng edukasyon, 46.1% ang nagsabing hindi sapat ang serbisyo ng pamahalan habang 35. 8% lamang ang nagsabing ito’y sapat.
By Judith Larino
Photo Credit: veritas846.ph