Inamin ng Pinay nurse na kabilang sa nabihag ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria sa Libya na pinipilit silang gamutin ang mga sugatang terorista.
Ito aniya ang kanyang naging papel kasama ang ilang pang mga dayuhang nurse na nabihag ng ISIS.
Sinabi ng Pinay nurse na obligado rin silang turuan ng paggagamot ang ilang miyembro ng ISIS.
Inamin nito na balot ng takot ang bawat araw ng pananatili nila kasama ang mga terorista sa siyudad ng Sirte kung saan ay pinagbantaan pa aniya silang papatayin sa oras na tumakas.
Nakalaya lamang ang mga foreign medical staff kabilang ang Pinay nurse nang matalo ng Libyan forces ang pwersa ng ISIS sa Sirte noong nakaraang taon.
By Ralph Obina