Mas malakas at mas malaya ngayon ang minorya ng Senado.
Ito ang pananaw ni Sendora Risa Hontiveros matapos siyang maging bahagi ng minorya kasama ang tatlo (3) pang Liberal Party senators.
Kahapon nagkasundo ang mga miyembro ng Senado na tanggalan ng posisyon at committee chairmanship ang mga senador na miyembro ng LP na kinabibilangan nina Hontiveros, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
Sa kablila ng pagkakatanggal bilang chair ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Hontiveros na patuloy niyang isusulong ang universal health care at iba pa niyang mga adbokasiya gaya ng karapatang pantao, due process at rule of law.
By Ralph Obina