Nagsagawa ng mini-LEDAC Meeting ang mga lider ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso, umaga ng Martes.
Kabilang sa mga dumalo sa panig ng senado sina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, bagong Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, at Majority Floorleader Vicente “Tito” Sotto III.
Sa mababang kapulungan naman, kabilang sa mga dumalo sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Floorleader Rodolfo Fariñas at Minority Floorleader Danilo Suarez.
Ipinabatid ni Sotto na napagkasunduan sa nasabing mini-LEDAC meeting na dapat maipasa ng senado at karama hanggang sa hunyo ang 18 Top Priority Bills.
Kasama na rito ang tax reform package, free education, free irrigation, universal health package at iba pa.
By Meann Tanbio