Tinawag na lame at insignificant, ng kampo ni Vice President Jejomar Binay, ang reaksyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at ng ilang kritiko, sa speech ng Ikalawang Pangulo, kahapon.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ng Bise Presidente para sa Political Affairs, ang pahayag ni Roxas at ng ibang kritiko, ay bahagi lamang ng kanilang hakbang para masira at mabura ang mga accomplishment ng Bise Presidente.
Iginiit ni Quicho na kung titingnan, mas maganda ang performance ng Bise Presidente, kumpara sa performance ni Roxas, kahit pagsamahin pa ang kanyang ginawa noong siya at Transportation Secretary pa, at ngayon sa DILG.
Kahapon ay binalikan ni Roxas si Binay at sinabing kaya lamang ito nambabatikos, ay dahil sa hindi nito masagot ang mga kasong korapsyon na ibinabato sa kaniya.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes