Itinalagang bagong Minority Floor Leader ang pinatalsik na Senate Pro Tempore na si Senador Franklin Drilon habang si Senador Bam Aquino ang Assistant Minority floor leader.
Anim na ngayon ang mga miyembro ng minorya sa Senado na kinabibilangan nina Drilon, Aquino, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes, at ang nakakulong na si Leila De Lima.
Sa liham na ipinadala ni De Lima sa Senado, isinaad niya ang kanyang pagkalas sa mayorya.
Samantala, sinabi naman ni Aquino na bagamat miyembro na siya ng minorya, patuloy pa rin niyang isusulong ang mga batas na makatutulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.
Pinasalamatan ni Aquino ang pumalit sa kanya bilang chairman ng committee on education na si Senador Chiz Escudero na nangakong itutuloy ang mga nasimulan sa komite.
By: Avee Devierte / Cely Bueno