Inamin ng Armed Forces of the Philippines na muntik na nilang masagip ang German na si Jurgen Kantner.
Sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año, tatlong araw bago pinugutan ang German, nalapitan pa nila ang kinaroroonan niya nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf Group at mga sundalo.
Pero nakatakas ang anim na bandido kasama si Kantner.
Ayon kay Año, si Abu Sayyaf Senior Leader Radullan Saahiron ang humawak kay Kantner at ang grupo naman si Abu Sayyaf Sub Leader Abu Rami ang pumatay sa bihag.
Dagdag pa ni Año, wala silang namonitor na nagbayad ng ransom kaya raw siguro tinuluyan ng Abu Sayyaf si Kantner.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal